Bilang ako ay bata pa, isa sa aking pangarap ay ang makapag lakbay at malibot ang buong mundo kasama ang buo kong pamilya.
Wala nang mas gaganda at sasaya pa sa paglalakbay at pagtuklas ng mga panibagong mga lugar at tanawin. Sino ba sa atin ang ayaw maglakbay?
Halos lahat sa atin ngayon ay may mga #TravelGoals kung tawagin. Dito sa Pilipinas ay napakaraming magagandang lugar na maaaring puntahan. Mga lugar na talaga namang ipinagmamalaki ng ating bansa.
Tayo’y magsimula sa lugar kung saan ako ipinanganak at lumaki. Ang Taal, Batangas lugar na naging parte ng kasaysayan at kultura ng mga Pilipino.
Tinaguriang “The Heritage Town” at “Balisong & Barong Tagalog Capital of the Philippines ang Taal dahil sa mga imprastraktura ng lugar na luma ngunit napakaganda. Mga lumang bahay, restawran, pamilihan at iba pa. Para kang nabuhay sa sinaunang panahon dahil sa ambyans ng lugar. Dito rin matatagpuan ang Taal Basilica na kilala rin bilang Basilika ni San Martin ng Tours. Ang simbahang ito ay tinaguriang pinakamalaking simbahan sa buong Pilipinas at Asya. Tuwing araw ng Linggo ay dinadagsa ng mga dayuhan ang simbahan. Ang buo kong pamilya dito nagsisimba at namamasyal. Isa ang simbahang ito na naging parte ng espirituwal na napananampalataya ng aking buong pamilya.
Isa pa sa tanawing ipinagmamalaki ng aming lugar ay ang bulkang Taal. Ito ay matatagpuan sa lawa ng Taal na pinalilibutan ng lugar ng Talisay at San Nicolas, Batangas. Ang bulkan ay tinaguriang pangalawa sa aktibong bulkan sa Pilipinas. Napakaliit man ng bulkang ito dahil sa napakarami pong naitalang pagsabog nito hindi pa rin matatawaran ang ganda ng bulkan pati ang lawa na nakapaligid dito.
Kapag pagkain at produkto naman ang pag-uusapan ay hindi papahuli ang aking bayan. Kilala ang bayan ng Taal sa titulong “ELPASUBAT”. Ito ay ang mga sikat na produkto at pagkain ng aming bayan sa ang ibig sabihin ay Empanada, Longganisa, Panutsa, Suman, Barong Tagalog, Tapa, Tamales, Tawilis at Tulingan. Ang mga produktong ito ang ipinagmamalaki ng aming bayan. Lahat ng Pamilihan sa buong bayan ay hindi mawawalan ng ganitong mga produkto.
Dahil sa kasikatan ng mga produkto, ang aming bayan ay ipinagdiriwang ang Elpasubat Festival tuwing ika-27, 28, 29 ng Abril. Ang pagdiriwang na ito ay isang napakagandang paraan ng pag-highlight ng mga produkto ng Taal. Isang pagdiriwang na ginagawa upang magpasalamat at ipagmalaki ng mga Taaleños ang mga bagay na nag-ambag sa paglago ng ekonomiya ng munisipalidad at pagkakaisa na nagpapalakas sa mga tao.
Napakarami pang mga lugar ang talaga namang mamamangha ka dahil sa mga itinatagong yaman. Napakasaya lalo na at kasama mo ang iyong mga kaibigan at buong pamilya. Dahil sa mga lugar na ito, nagpapatunay na masagana ang bansa sa likas at kulturang yaman. Pasasalamat sa poong may kapal ang mahalaga dahil sa mga biyayang ipinagkakaloob niya.
Sa Pamantasang Liseo ng Pilipinas, ang mga mag-aaral mula sa Arts and Design Track ay naatasang magkaroon ng Art Exhibit. Sa simula ay nagkaroon ng pag-iisip ang lahat kung ano ang magiging pamagat at tema ng eksibisyon ng mga likhang sining. Nagkasundo ang lahat sa titulong “KATHA” Sining • Aklas • Hiwaga kung saan ipinakikita ang yaman ng kultura ng bansang Pilipinas. Pagprotekta, pagpapayabong at pagpapahalaga ng lahat ng yaman ng bansa.
Una sa lahat bago sumapit ang mismong Eksibisyon ng mga Sining ay nagkaroon muna ang lahat ng pagkuha ng litrato o photoshoot upang gawing ‘profile picture’ sa mga social media accounts. Ang lahat ay naatasang pumili ng kanilang best outfits na may kinalaman sa mga minimalist na kulay.
Mayroon ding mga promosyunal na bidyu na nasa facebook page ng eksibit. Dito ipinapakita ang mga kapanapanabik na treyler ng buong eksibit. Sa ganitong paraan ang buong eksibit ay maipo-promote ng mas madali at malawak.
Limang araw bago sumapit ang Katha, nagkaroon muna ng countdown o pagbilang ng mga araw hanggang sa mismong araw ng Eksibiyon ng mga sining. Mga litratong may bilang na nagpapakita ng mga dapat abangan sa bawat araw habang papalapit na ang eksibit.
Sa pagsapit ng Mayo 15, 2019 araw ng Miyerkules, ang lahat ay gumising at pumasok ng maaga upang isaayos ang buong entablado at mga likhang sining sa silid-aralan. Ang lahat ay nagtutulungan upang maging maganda ang loob ng eksibit. ‘Earthy’ o Mundo ang tema ng disenyo at maihahalintulad sa isang kagubatan ang istsura ng buong eksibit.
Habang ang karamihan ay abala sa pagsasaayos at pagdedesenyo ng buong silid-aralan ang mga mag-aaral naman na kasali sa ibang uri ng sining ay nag-eensayo para sa ipakikita nilang palabas sa eksibit. Si Mike Silan at ang mga kasmahan niya sa Bandang ‘Aklas’ ay puspusang nag-eensayo ng mga awiting kanilang kakantahin sa mismong eksibit.
Matapos ang maagang paghahanda at pagdidisenyo ay natapos ng maganda at kamangha-mangha ang buong eksibit. Dahil sa pagtutulong-tulong ng bawat isa ay nakamit ang magandang resulta. Maliit na silid-aralan lamang ang pagdadausan ng eksibisyon ngunit punong pono ng mga likhang sining na nakakaaliw pagmasdan.
Sa pagsapit ng 1:30 ng hapon pormal na binuksan sa publiko ang ipinagmamalaki ng ADT 112 na Katha-Sining, Aklas at Hiwaga, ang eksibisyon ng mga likhang sining. Ang lahat ay malugod na pinapapasok sa loob. Kailangan lamang mag-rehistro at kumuha ng libreng tiket bago makapasok sa loob.
Nakatutuwang makita ang mga bisitang nagdadatingan at nakapilang nagaasam makapasok sa inihandang eksibit ng buong ADT. Pananabik ang nadarama ng lahat ng artist dahil sa mga ADT Senior at ibang pangkat ng G11 at G12 na manunuod sa kanila.
Ang lahat sa unang pagkakataon ay mararanasang bumubuo ng hindi birong Art Exhibit. Napakasya ngunit may kaba ang nararamdaman ng bawat isa. Halo-Halong emosyon dahil sa maaring maging resulta ng art eksibit.
Iba’t ibang kategorgya ng sining ang nasa loob ng eksibit. Bawat isa sa mga ito ay may natatanging uri na ipakikita. Ang musika, digital na sining, biswal na sining, disenyo ng produksiyon, photography/ pelikula at ang fashion design.
Ang biswal na sining maging painting, iskultura, drawing/sketching at iba pa. Ang bawat piraso ng sining na ito ay nagpapakita ng mga magagandang tanawin, mga alamat, diwata at kultura na lubos na ipinagmamalaki ng mga Plipino.
Kagaya na lang ng painting na ito na gawa ng isa sa mga biwsal na artist na si Jan Lester Agonia. Ang imaheng ito ng isang bangka ay pinamagatang “Colorido y Barco” – Description: A colorful traditional boat from the island of Mindanao called “Vinta”, also known as lepa-lepa or sakayan.
Ang Photography o ang pagkuha ng magagandang mga litrato. Ipinakikita sa mga imahe ang mga naggagandahang modelo. Ang mga litrato ay kuha mismo ng mga mag-aaral ng ADT 112 na mahihilig sa potograpiya at editing.
Ang lahat ay masayang pinagmamasdan ang bawat piraso ng likhang sining na inihanda para sa kanila. Malugod na naghihintay ang lahat sa kung ano pang ang magagandang eksibisyon na magaganap sa loob.
At nagsimula na nga ang palabas. Isa sa pinaka inaabangan sa Eksibit na ito ay ang Bandang ‘Aklas’. Binubuo ng mga mag-aaral na mahilig kumanta at tumugtog ng iba’t ibang instrumento.
Isa sa mga bokalista ng grupo ay si Naomi San Andres. Isa sa mga pinakamagaling kumanta sa pangkat. Ang mga awitin na handog nila ay ang mga “Original Pilipino Music”(OPM). Dito inaawit nila ang mga kantang naging bahagi ng buhay at kultura ng bawat Pilipino. Batid nito sa mga tagapanood at tagapakinig na buhayin muli at pangalagaan ang musikang Pilipino.
Walang pagsidlan ng tuwa ang lahat ng artist dahil sa mga guro mula sa Iternational School na nakatutok at taos pusong nakasuporta sa kanilang mga estudyante. Ang lahat ay seryoso habang dinarama ang lahat ng likhang sining na nakapalibot sa buong silid.
Nariyan din ang mga kapatid mula sa kabilang pangkat, ang ADT 111 na nakasuporta at nanonood ng mga eksibisyon. Suportado din ng buong ADT 112 ang kanilang eksibit na pinamagatang “Cosmos” na ginaganap din sa araw na iyon
Isa pa sa pika-highlight at inaabangang ng lahat ng manonood ay ang mga nagagarbuhan at naggagandahang mga modelo ng fashion show na pinamagatang “Ang Elemento”, ang modernong mga Diyos at Diyosa. Bawat modelo ay binihisan at inayusan tulad ng mga alamat na Diyos.
Isa sa mga naging modelo ay si Jan Lester Agonia. Kaba ang bumabalot sa kanyang dibdib ngunit hindi siya nagpadaig at ipinakita ang tunay na husay sa pagmomodelo.
Palakpakan at sigawan ang natanggap ng lahat dahil sa pagpapakita at pagbuhay sa mga alamat na Diyos at Diyosa ng kulturang Pilipino. Kamangha mangha ang bawat isa lalo na ang nagdisenyo ng mga damit na inirampa sa entablado, si Kent Martinez kasama si Faye Sumaylo na nagbigay ganda at ayos sa mukha ng bawat model.
Pagkatapos ng programa ang lahat ay nag grupo-grupo base kung saan sila nabibilang sa bawat kategorya ng sining at sila ay kumuha ng litrato ng magkakasama. Ang lahat ay matagumpay na naipakita ang kilang mga likhang sining.
Ang lahat ay nagpakita ng kanilang natatanging galing sa iba’t-ibang larangan ng sining. Nararapat ang pagdiriwang para sa kasiyahan at tagumpay pagkatapos ng lahat. Walang katumbas na kasiyahan sa kabila man ng mga pag-aaway at hindi pagkakaunawaan. Gaya ng mga litratong ito, ang lahat ng mga magaganda at hindi malilimutang mga ala-ala ay kikintal at titimo sa puso at isipan ng bawat isa. Ang mga likhang sining na ito ay ang palatandaan ng mga pangarap ng bawat artist.
Pinili ko ang obra maestrang ito dahil sumisimbolo ito ng katotohanan at katalinuhan ng bawat Pilipino na lumalaban para sa kanilang buhay at bansa. Ang kamangha-manghang likhang sining (iskultura) na ito, si Dr. Jose P. Laurel na magiting na nakatayo habang nakataas ang kanyang kanang kamay. Ang taong nakatayo na may adhikain ay isang makabansa, dalubhasa sa batas, awtor, moral, politikal na pilosopiya at mas higit pa, siya ay isang guro. Ang pagtuturo at pagmamalasakit sa edukasyon ang kanyang pinakamamahal, kaakibat ang kanyang pasyon sa pamumuno. Ang ideya ng paaralan ay dumating sa kanya noong taong 1920’s. Inspirasyon ni Laurel ang pangalan ng paaralan na Pamantasang Liseo ng Pilipinas (Lyceum of the Philippines University). Siya ang ika-tatlong president ng Republika ng Pilipinas noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig kung saan ang mga hapones ay sinubukang sakupin ang ating bansa ngunit ang matalino at magiting na presidente na si Laurel ay hindi nagpadaig at natakot. Ang legasiya ng tagapagtatag na si Dr. Jose P. Laurel ay nagpapakita ng totoong pagiging makabansa. Patunay ang paniniwalang “Veritas et Fortitudo Pro Deo et Patria” na ang ibig sabihin ay katotohanan at lakas ng loob para sa diyos at bansa. Wika nga ni Laurel, “Mas gusto kong makita ang mga kabataan ng lupain na natututunan ang moral na edukasyon at pagdidisiplina sa sarili kaysa sa maging mas makasariling may-ari ng naipon na kaalaman sa mundo”.
Si Jan Lester Facundo Agonia ay ipinanganak sa Sta.Teresita, Batangas noong ika-15 ng Hunyo taong 2002. Ang kanyang mga magulang ay sina Leoncia A. Facundo at Rodelito H. Agonia. Si Lester ay unang nag-aral ng elementarya sa Paaralang Elementarya ng Irukan-Kalayaan. Sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Sta. Teresita naman ay tinapos niya ang kanyang ika-10 baitang at ipinagpatuloy ang kanyang ika-11 baitang sa Pamantasang Liseo ng Pilipinas – Cavite kampus. Sa Unibersidad ng Liseo ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pangarap at pagmamahal sa sining, tinanggap niya ang kursong Arte at Disenyo (Arts and Design Track). Siya ay hindi nagbabago sa pagiging mag-aaral na may karangalan sa akademiya simula noong siya ay nasa elementarya hanggang sa sekondarya. Siya ay naging miyembro ng samahan ng mga kabataan tungo sa kapayapaan sa elementarya nang siya ay sampung taong gulang pa lamang. Sa gulang na labing tatlo siya ay umanib sa samahang Supreme Student Government nang siya ay nasa sekondarya kung saan siya ay bise presidente. Siya rin ay isa sa mga aktibista ng organisasyon na kumikilala at nagpoprotekta sa mga LGBT Q Community sa Lungsod ng Batangas. Kabilang din siya sa mga Outstanding Boy Scouts ng Boys Scout of the Philippines – Batangas Council. Dahil sa galing niya sa sining ang kanyang mga likha ay nakakakuha ng napakaraming parangal. Noong siya ay nasa ika-sampung baitang siya ay ginawaran ng “Artist of the Year” kaakibat nito ang mga naging panalo at pagkilala pa sa kaniyang husay sa iba pang laranang ng sining tulad ng Fashion Design at Visual Arts.