

Sa Pamantasang Liseo ng Pilipinas, ang mga mag-aaral mula sa Arts and Design Track ay naatasang magkaroon ng Art Exhibit. Sa simula ay nagkaroon ng pag-iisip ang lahat kung ano ang magiging pamagat at tema ng eksibisyon ng mga likhang sining. Nagkasundo ang lahat sa titulong “KATHA” Sining • Aklas • Hiwaga kung saan ipinakikita ang yaman ng kultura ng bansang Pilipinas. Pagprotekta, pagpapayabong at pagpapahalaga ng lahat ng yaman ng bansa.


Una sa lahat bago sumapit ang mismong Eksibisyon ng mga Sining ay nagkaroon muna ang lahat ng pagkuha ng litrato o photoshoot upang gawing ‘profile picture’ sa mga social media accounts. Ang lahat ay naatasang pumili ng kanilang best outfits na may kinalaman sa mga minimalist na kulay.

Mayroon ding mga promosyunal na bidyu na nasa facebook page ng eksibit. Dito ipinapakita ang mga kapanapanabik na treyler ng buong eksibit. Sa ganitong paraan ang buong eksibit ay maipo-promote ng mas madali at malawak.





Limang araw bago sumapit ang Katha, nagkaroon muna ng countdown o pagbilang ng mga araw hanggang sa mismong araw ng Eksibiyon ng mga sining. Mga litratong may bilang na nagpapakita ng mga dapat abangan sa bawat araw habang papalapit na ang eksibit.
Sa pagsapit ng Mayo 15, 2019 araw ng Miyerkules, ang lahat ay gumising at pumasok ng maaga upang isaayos ang buong entablado at mga likhang sining sa silid-aralan. Ang lahat ay nagtutulungan upang maging maganda ang loob ng eksibit. ‘Earthy’ o Mundo ang tema ng disenyo at maihahalintulad sa isang kagubatan ang istsura ng buong eksibit.


Habang ang karamihan ay abala sa pagsasaayos at pagdedesenyo ng buong silid-aralan ang mga mag-aaral naman na kasali sa ibang uri ng sining ay nag-eensayo para sa ipakikita nilang palabas sa eksibit. Si Mike Silan at ang mga kasmahan niya sa Bandang ‘Aklas’ ay puspusang nag-eensayo ng mga awiting kanilang kakantahin sa mismong eksibit.


Matapos ang maagang paghahanda at pagdidisenyo ay natapos ng maganda at kamangha-mangha ang buong eksibit. Dahil sa pagtutulong-tulong ng bawat isa ay nakamit ang magandang resulta. Maliit na silid-aralan lamang ang pagdadausan ng eksibisyon ngunit punong pono ng mga likhang sining na nakakaaliw pagmasdan.

Sa pagsapit ng 1:30 ng hapon pormal na binuksan sa publiko ang ipinagmamalaki ng ADT 112 na Katha-Sining, Aklas at Hiwaga, ang eksibisyon ng mga likhang sining. Ang lahat ay malugod na pinapapasok sa loob. Kailangan lamang mag-rehistro at kumuha ng libreng tiket bago makapasok sa loob.


Nakatutuwang makita ang mga bisitang nagdadatingan at nakapilang nagaasam makapasok sa inihandang eksibit ng buong ADT. Pananabik ang nadarama ng lahat ng artist dahil sa mga ADT Senior at ibang pangkat ng G11 at G12 na manunuod sa kanila.

Ang lahat sa unang pagkakataon ay mararanasang bumubuo ng hindi birong Art Exhibit. Napakasya ngunit may kaba ang nararamdaman ng bawat isa. Halo-Halong emosyon dahil sa maaring maging resulta ng art eksibit.

Iba’t ibang kategorgya ng sining ang nasa loob ng eksibit. Bawat isa sa mga ito ay may natatanging uri na ipakikita. Ang musika, digital na sining, biswal na sining, disenyo ng produksiyon, photography/ pelikula at ang fashion design.



Ang biswal na sining maging painting, iskultura, drawing/sketching at iba pa. Ang bawat piraso ng sining na ito ay nagpapakita ng mga magagandang tanawin, mga alamat, diwata at kultura na lubos na ipinagmamalaki ng mga Plipino.

Kagaya na lang ng painting na ito na gawa ng isa sa mga biwsal na artist na si Jan Lester Agonia. Ang imaheng ito ng isang bangka ay pinamagatang “Colorido y Barco” – Description: A colorful traditional boat from the island of Mindanao called “Vinta”, also known as lepa-lepa or sakayan.
Ang Photography o ang pagkuha ng magagandang mga litrato. Ipinakikita sa mga imahe ang mga naggagandahang modelo. Ang mga litrato ay kuha mismo ng mga mag-aaral ng ADT 112 na mahihilig sa potograpiya at editing.


Ang lahat ay masayang pinagmamasdan ang bawat piraso ng likhang sining na inihanda para sa kanila. Malugod na naghihintay ang lahat sa kung ano pang ang magagandang eksibisyon na magaganap sa loob.

At nagsimula na nga ang palabas. Isa sa pinaka inaabangan sa Eksibit na ito ay ang Bandang ‘Aklas’. Binubuo ng mga mag-aaral na mahilig kumanta at tumugtog ng iba’t ibang instrumento.

Isa sa mga bokalista ng grupo ay si Naomi San Andres. Isa sa mga pinakamagaling kumanta sa pangkat. Ang mga awitin na handog nila ay ang mga “Original Pilipino Music”(OPM). Dito inaawit nila ang mga kantang naging bahagi ng buhay at kultura ng bawat Pilipino. Batid nito sa mga tagapanood at tagapakinig na buhayin muli at pangalagaan ang musikang Pilipino.



Walang pagsidlan ng tuwa ang lahat ng artist dahil sa mga guro mula sa Iternational School na nakatutok at taos pusong nakasuporta sa kanilang mga estudyante. Ang lahat ay seryoso habang dinarama ang lahat ng likhang sining na nakapalibot sa buong silid.


Nariyan din ang mga kapatid mula sa kabilang pangkat, ang ADT 111 na nakasuporta at nanonood ng mga eksibisyon. Suportado din ng buong ADT 112 ang kanilang eksibit na pinamagatang “Cosmos” na ginaganap din sa araw na iyon

Isa pa sa pika-highlight at inaabangang ng lahat ng manonood ay ang mga nagagarbuhan at naggagandahang mga modelo ng fashion show na pinamagatang “Ang Elemento”, ang modernong mga Diyos at Diyosa. Bawat modelo ay binihisan at inayusan tulad ng mga alamat na Diyos.

Isa sa mga naging modelo ay si Jan Lester Agonia. Kaba ang bumabalot sa kanyang dibdib ngunit hindi siya nagpadaig at ipinakita ang tunay na husay sa pagmomodelo.

Palakpakan at sigawan ang natanggap ng lahat dahil sa pagpapakita at pagbuhay sa mga alamat na Diyos at Diyosa ng kulturang Pilipino. Kamangha mangha ang bawat isa lalo na ang nagdisenyo ng mga damit na inirampa sa entablado, si Kent Martinez kasama si Faye Sumaylo na nagbigay ganda at ayos sa mukha ng bawat model.



Pagkatapos ng programa ang lahat ay nag grupo-grupo base kung saan sila nabibilang sa bawat kategorya ng sining at sila ay kumuha ng litrato ng magkakasama. Ang lahat ay matagumpay na naipakita ang kilang mga likhang sining.
Ang lahat ay nagpakita ng kanilang natatanging galing sa iba’t-ibang larangan ng sining. Nararapat ang pagdiriwang para sa kasiyahan at tagumpay pagkatapos ng lahat. Walang katumbas na kasiyahan sa kabila man ng mga pag-aaway at hindi pagkakaunawaan. Gaya ng mga litratong ito, ang lahat ng mga magaganda at hindi malilimutang mga ala-ala ay kikintal at titimo sa puso at isipan ng bawat isa. Ang mga likhang sining na ito ay ang palatandaan ng mga pangarap ng bawat artist.





















